Monday, April 20, 2009

Nang mag away kami ni Paciano

Napakagaling talaga ng kapatid ko na si Paciano. Akalain mo ba namang pinahiya nanaman ako sa harap ng mga kababaihan kanina. Imbis na tawagin ako sa aking palayaw na pepe, pinaglaruan nya ito at tinawag ako na pepito! Masakit pa dito, kaya niya ako tinawag, uutusan lamang pala ako linisan ang nagkalat ng tae ng kalabaw. Sinigaw ba naman “o pepito hugasan mo na ang dumi ni tigas!” di maipinta ang aking mukha sa kahihiyan na aking natamo. Kitang kita sa mga mukha ng mga babae na tawang-tawa sila at tila nandidiri sa akin! Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na pinahiya ako ng aking magaling na kapatid. Naalala ko pa ng ako ay inuto nya na ipahid ang isang makating halaman sa aking buong katawan. Sinabi sa akin ni Paciano na pag pinahid ko ang halaman, lalaki daw ang aking katawan at magiging matipuno at batak daw ako. Dali-dali ko naman pinahid ang halaman mula ulo hanggang sa pinakamaliit na singit ng aking katawan. Di nagtagal nagsimulang mangati ang aking katawan. Hayop na Paciano yan nilinlang ako! Hindi ko na natiis ang pangloloko na aking natatanggap mula sa bastardong kapatid. Napuno na ako at ninais ko makaganti sa magaling na kapatid. Niligpit ko ang dumi ni tigas ngunit hindi ko ito tinapon. Pinahid ko ito sa isa sa mga salawal ni Paciano na lalabahan na. Nang makita ito ng tagalaba, sinigaw nito sa buong bahay na nakatae sa salawal si Paciano! Nagulat si Paciano at walang atubili na sinugod ako at hinahamon ng away. Hindi ako umatras! Nagmatigas ako at nilabanan ko siya! Sa kasamaang palad, mas batak at mas malaki ang katawan ng aking nakatatandang kapatid. Nagulpi ako at pinahugas sa akin ang kaniyang salawal! Doble ang kahihiyan na natamo ko. Balang arrow Paciano, makakaganti din ako sayo! Maghintay ka lang!

-Popo Mamaril 073907

No comments:

Post a Comment