Friday, May 8, 2009

Pabiglang pagsugod ng pagbabago (ambush makeover): pepe

Barong, pomada, bayong at salawal na gawa sa rattan; sawang sawa na ko sa aking pananamit! Araw araw na lang ito ang aking ayos! Pag gising sa umaga magpapalit ng salawal at magsusuot ng bagong camisa de chino.. Ayoko na ng ganito.. Panahon na para magbago ako.. Umpisahan ko sa buhok.. Imbis na hawiin pakanan, aking papatayuin ito na tila nahanginan ng malakas na hangin. Pag dating naman sa damit, papalitan ko na ang aking barong. Magsusuot na ako ng mas makabagong damit. Nais ko subukan ang mga damit na gawa sa balat ng crocodile o sa balat ng ahas! Para sa aking pantalon magsusuot ako ng mga mas masisikip para mas macho at mas matipuno ako tingnan. Sa sapatos naman, magsusuot ako ng mga matitingkad na kulay para maging kakaiba ako. At magsusuot na din ako ng salawal na gawa sa cotton para hindi na masakit sa singit! Sigurado ako na pagaagawan nanaman ako ng mga kababaihan dahil sa bagong istilo ng aking pananamit!

-pepe
(popo mamaril 073907)

No comments:

Post a Comment