Ilang gabi ko na ito pinagiisipan. Hindi ako makatulog. Hindi din makasubo. Araw-araw itong bumabagabag sa aking isipan at kahit anong malalalim na pagninilay ang aking gawin, tila hindi pa din mahanap ang ninanais. Kahit anong kalkal ang aking gawin kahit sa pinakasingit na ng aking utak, wala, wala pa din. Napakahirap makapagisip ng isang pamagat para sa aking nobela. Napakaraming mga kaisipan ang pumapasok sa aking utak. Napakaraming mga bagay ang aking dapat pagtuunan ng pansin. Kung gagawa ako ng pamagat, dapat makakatulong ito sa pag akit ng mga mambabasa. Hmmmm. Kung Kagat ng Laman kaya ang aking ipamagat? Nako hindi maari. Baka pagkamalan na isang malaswang babasahin ang aking Nobela. Dapat din sa pamagat pa lang matanto na ng mga mambabasa kung tungkol saan ang nobela. Kung Maria Clara, Ika'y Aking Papanikin kaya? Masyadong mahaba at hindi na nasama ang mga ibang aspeto ng nobela. ARGH!!! Napakahirap talagang magisip ng pamagat! Paano kaya naisip ng aking mga katotong sila Juan Luna at Marcy del Pilar ang pamagat ng kanilang mga sariling obra? Isa itong malalim na palaisipan............... Aba teka! Tungkol sa pag-ibig ang aking nobela. At sa isang pagnanasa ng Pari sa isang maganda at mabangong dalagita.... Hmmmmm! Alam ko na!!! Bawal hawakan bawal hawakan bawal hawakan!!! Tumpak!!! Tatawagin ko na Noli me Tangere ang aking nobela. Saktong sakto ang pamagat na ito. May halong misteryo ang pamagat kaya maakit ang mga mambabasa at pamagat pa lang may ideya na ang mga mambabasa kung tungkol saan ito. Mahusay mahusay ka talaga Pepe!!! At napakagwapo at matipuno mo pa! siguradong bebenta ang aking nolbelang ito!!!
-pepe
(popo mamaril 073907)
Monday, May 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment